Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mallari nabighani sa surfer

0 85

‘Di pinalampas ni PBA player Alex Mallari ang pagkakataon na maka-selfie ang isang sikat na professional surfer nang makasalubong niya sa Hawaii.

Sa Instagram post ng Phoenix Super LPG guard, todo ngiti siya sa picture kasama ang Amerikanang atleta na si Carissa Moore.

“I won’t ask for too many photos, I’m not passin this 1 up… The champ is here!” sey ng basketbolista.

SM food to go Banner Ad

Si Moore ay apat na beses nagkampeon sa WSL Women’s World Tour, at napabilang sa Surfers’ Hall of Fame noong 2014.

Isa naman sa nainggit sa post si retired PBA player Rob Reyes.

“Jelly! @rismoore10 is so awesome,” komento ng sentro. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.