Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malonzo binuhat ang Batang Pier

0 52

Nakakalipad na sa sarili niyang pakpak si Jamie Malonzo.

Kumawala ang No. 2 pick noong March ng NorthPort sa anino ng mga veteran teammate, nailalabas ang sariling laro.

At lumipad nga ang Fil-Am nitong Sabado kontra Terrafirma sa 46th PBA 2021 Philippine Cup eliminations Bacolor, Pampanga.

Pinayanig ni Malonzo ang basket ng Don Honorio Ventura State University gym sa malulutong at iba’t ibang dakdak.

Natanong si Jamie kung ano ang paborito niya sa mga highlight dunk na pinakawalan.

“Probably go with the windmill. I’m saving that for a long time,” anang 25-year-old, 6-foot-7 high-flyer. “And I was telling Troy (Rike) I was going to get that one.”

Steal ni Malonzo, solo na rumagasa sa kabila, pag-angat ay nilipat mula kaliwa pa-kanan ang bola bago sinalaksak ang windmill. Walang nagawa ang dalawang Dyip defenders na humabol.

Tumapos si Malonzo ng 14 points mula 7 of 11 shooting, may 6 rebounds sa runaway 104-84 win ng Batang Pier kontra Dyip.

Sa pangatlong sunod na panalo sa ilalim ni interim coach Bonnie Tan ay angat sa No. 6 ang NorthPort (4-3). Balandra ang biktima sa 3-6.(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.