Abante Tonite Interactive

Malubhang COVID patient ika-quarantine sa classroom

498

Plano ng Department of Health (DOH) na gawing isolation room ang ilang silid aralan sa bansa para sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sinabi ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa panayam sa kanya ng himpilang DZMM nitong Biyernes.

Kasalukuyan pa ring naka-self quarantine si Duque matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang senior official ng DOH.

Ayon kay Duque, may mga kaso ng COVID-19 na maaaring lumala o maging kritikal ang pasyente at kinakailangan na ilagay ang mga ito sa isolation room.

“Iyong isolation rooms, tutugunan ng ating barangay health emergency response teams para tukoy na kung saan nila ilalagay… isa nga rito ang mga eskuwelahan, mga kuwarto ng eskuwelahan,” ani Duque.

Maglalagay aniya ng dalawang metrong pagitan sa mga pasyente na mararatay sa mga isolation room.