Abante Tonite Interactive

Maluhong alalay ng senador markado sa Palasyo

280

Markado na raw sa Malacañang ang isang alalay ng senador dahil sa pagpapakita ng yabang este yaman sa publiko.

Nakita raw kasi ng ilang opisyal sa Palas­yo ang mamahaling sports car ng kumag habang nakabuntot sa among senador.

Nagmukha tuloy purdoy ang among senador dahil mas ma­gara pa ang tsekot ng kanyang alalay sa dinaluhan nitong event.

Hindi raw mala­yong ipa-lifestyle check ang staff ng senador, aba’y daig pa niya ang nagtrabaho sa Bureau of Customs sa biglang pagyaman.

Kilalang power tripper din ang staff kaya’t marami ang yamot sa kanya dahil parang bagyong Yolanda sa lakas ng hangin.

Clue: Ang staff na markado na sa Palasyo ay nagtatrabaho sa senador na may letrang T sa kanyang pangalan as in Timang.