Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malupit na erpat tinodas ng pulis

0 59

ARESTADO ang isang pulis matapos barilin at mapatay ang sariling ama dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan sa bayan Baggao, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni Cagayan Philippine National Police spokesperson P/Capt. Isabelita Gano, ang biktima na si Octavio Esteban, 73, ng nasabing bayan, ama ng sumukong suspek na si P/Chief Master Sgt. Oginio Esteban, 42, miyembro ng PNP Aviation Security Group na nakabase sa Tuguegarao airport, kapwa taga-Barangay San Jose.

Ayon kay Gano, nagtalo ang mag-ama dahil sa umano’y pananakit ni Octavio sa asawa ng suspek at may kinakasama pang ibang babae.

Nauna dito, kinausap ng magkakapatid ang kanilang ama (Octavio) dahil sa maling ginagawa nito ngunit nagalit ito at armado ng baril na sumugod sa bahay ng isa niyang anak. Nagwala at nanira ng mga gamit hanggang sa matakot pa ang mga batang apo nito.

Dahil hindi maawat ang ama, tinawagan na nila ang pulis na nataon namang naka off-duty. Nang malapit na siya sa bahay ng kapatid ay pinahinto ng ama ang sasakyan nito.

Base sa pulis report, nang mamataan ang pagbunot ng ama nito sa dalang 38 revolver ay inunahan na niya itong paputukan.

Ayon kay Gano, nagtamo ng tatlong tama ng .9mm pistol sa leeg at dibdib ang biktima na sinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.