Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malupit sa mga hayop! Gata galing Thailand `wag bilhin – PETA

0 107

Binigyang babala ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) ang mga pangunahing pamilihan sa bansa na nagbebenta ng mga produktong gawa sa niyog mula Thailand na konektado umano sa mga kompanya na umaabuso sa mga unggoy.

Nabisto umano ng PETA na ang mga malalaking exporter ng nasabing produkto ay gumagamit ng unggoy para kanilang negosyo. Kinukuha umano ang hayop sa kanilang natural na tahanan, inaabuso, at sapilitang sinasanay para mangolekta ng niyog.

“Ang mga unggoy ay mausisa, matatalinong hayop, pero para sa Thai coconut industry, sila ay pinagkaitan ng natural na pamumuhay, pamilya, kalayaan at iba pang bagay na magpapa halaga sa kanilang buhay, para lamang sila ay makapagpitas ng niyog,” ayon kay PETA Senior Vice President Jason Baker.

“Nananawagan ang PETA sa lahat ng pamilihan sa Pilipinas na tanggalin na ang nasabing coconut products na mula sa pag tatrabaho ng mga unggoy,” giit ng grupo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.