Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Malvar’ ni Pacquiao join sa online teaching

0 74

Si Dr. Edberto Malvar Villegas, Ph.D, dating Chairman ng University of the Philippines (UP) Political-Economy Dept, apo ng Pambansang Bayaning Heneral Miguel Malvar at author ng librong ‘Gen. Malvar and the Philippine Revolution’ ay na-stroke kahapon (September. 3, 2020) .Kasalukuya siyang nasa ICU ng Makati Medical Center. Nananawagan ang kanyang mga kapatid sa pamamagitan ni Atty. Jose Malvar Villegas Jr., Founder ng Citizens Crime Watch-Katipunan Kontra Krimen at Korapsyon (CCW-KKK) at Chairman-President ng Labor Party Philippines-LPP (aka. Workers and Peasants Party) at Dr. Bernardo Malvar Villegas, Ph.D, Founder, Center for Research and Communication/University of Asia and the Pacific (CRC-UA&P) at former Chairman ng 1987 Philippine Constitutional Assembly Committee on Patrimony and Economy, na ipagdasal ng libu-libong tagasunod ng CCW-KKK at CRC-UA&P/Opus Dei ang maagang paggaling ni Prof. Ed Villegas upang maipagpatuloy niya ang adhikain ng kanyang lolong si Gen. Malvar.

Si Prof Ed Villegas ay isa sa mga naunang lumaban sa Marcos Martial Law Dictatorship. Na-detain sa Camp Crame at Bicutan nang ilang taon kasama ang maraming nagbuwis ng buhay sa larangan ng kalayaan at karapatang-tao tulad ng kanyang lolong si Hen. Malvar, na pinamunuan ang puwersang Pilipino ng 1898 Republika ng Pilipinas bilang kapalit ni Hen. Emilio Aguinaldo noong 1899-1902 Digmaang Pilipino at Amerikano . Bilang heneral, siya rin ang huling sumuko sa puwersang Amerikano.

Related Posts

Ang libro na inakda ni Prof. Ed Villegas tungkol sa kanyang lolo na si Hen. Malvar ay siyang naging batayan ng script ng “MALVAR, TULOY ANG LABAN”, isang movie-documentary ng buhay ni Hen. Malvar na pangkasalukuyang isinasapelikula ng JMV Film Production.

Ito ay ginagampanan ni Sen. Manny Pacquiao bilang Hen. Malvar, sa direksyon ni Jose “Kaka” Balagtas, President ng Movie Industry Workers for Progress and Development Inc. (MIWPD) at Line Producer si Imelda Papin, President ng Actors Guild of the Philippines.

Ang tatlong Villegas brothers ay naging paksa ng maraming article sa pahayagan tulad ng Free Press (“Unsinkable Villegas”) at Mr. & Ms. Maganzine, “Blood is Thicker Than Ideology.” Ayon kay Atty. Villegas, may proposal na inihain ang CCW-KKK sa Department of Education (Dep-Ed) na isama sa module ng subject in History ang online teaching ng “Malvar, Tuloy ang Laban” upang masaksihan ang kasaysayan natin sa 1896 Philippine Revolution at 1899-1902 Philippine American War ng 27 million public school students. (RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.