Abante Tonite Interactive

‘Malvar’ ni Pacquiao target ang MMFF 2020, international filmfest

352

Itinaas ni Atty. Jose Malvar Villegas (pangalawa mula sa kaliwa), may-ari ng JMV Film Production (JMV) at apo ng National Hero Gen. Miguel Malvar, ang kamay ni Sen Manny Pacquiao (pangatlo mula sa kaliwa), sa press conference na ginanap sa Shangrila Makati kamakailan. Ang presscon ay hinggil sa pagsasapelikula ng ‘Malvar,’ isang full-length movie na tatalakay sa buhay ni Gen. Miguel Malvar, Supreme Commander ng 1898 Philippine Revolutionary Republic noong 1899-1902 Philippine American War. Si Sen. Manny Pacquiao ang gaganap na Gen. Malvar.

Si Camarines Sur Vice Governor at Presidente ng Actors Guild na si Imelda Papin (dulong kaliwa) ang Line Producer ng pelikula, at si Batangas Vice Governor Mark Leviste (dulong kanan) ay gaganap din sa pelikula bilang close-in aide ni Sen. Pacquiao.

Ang ‘Malvar’ ay intended for MMFF 2020 at ilalahok din sa mga international film festival. Ang buong cast ng pelikula ay ipakikilala sa publiko sa ika-22 ng December, 2019, sa Aberdeen Court, Quezon City. (Roldan Castro)