Abante Tonite Interactive

‘Malvar’ produ suportado ng adbokasiya ni Duterte

243

Ayon kay Lawyer Jose Malvar Villegas Jr., Founder-Chairman Emeritus of the two (2) million strong Citizen Crime Watch (CCW) and the Grandson of National Hero Gen. Miguel Malvar, nagpasya siyang maging producer ng all-star cast movie “Malvar”, the true-to-life story of Gen. Miguel Malvar, dahil ang ideya na gawing pelikula ang buhay ng magiting na heneral twenty years ago ay hindi natupad sa pangamba ng mga movie producer na ma-offend ang American government. Ang pelikula kasi ay maglalantad ng kalupitan ng mga Amerikano noong 1899-1902 Philippine-American War kung saan pinangunahan ni Gen. Malvar ang Filipino forces bilang Supreme Commander of the 1898 Philippine Revolutionary Republic pagkatapos ni Gen Emilio Aguinaldo.

Sinabi ni Villegas na marami ang sumusuporta ngayon sa paglikha ng “Malvar” dahil sa adbokasiya ni Pres. Rodrigo R. Duterte na Independent Foreign Policy that will cut the strangle-hold of the Americans on the lives of the Filipinos.

Ayon kay Camarines Sur Vice Gov. Imelda Papin, President of the Actors Guild of the Philippines and Line Producer of “Malvar”, dadalo si Sec. Salvador S. Panelo, Presidential Chief Legal Counsel and Presidential Spokesman para maging guest of honor and speaker in the JMV Film Production headed by Villegas, sa Christmas Assembly Seminar Intended to Light the Torch Toward the Correct History of the 1896 Philippine Revolution and the 1899-1902 Philippine-American War by the filming of “Malvar” the true -to-life story of National Hero Gen. Miguel Malvar na gagampanan ni Sen. Manny Pacquiao, na gaganapin sa Aberdeen Court, Quezon City sa Dec 22. 2019, with Batangas Gov. Hermilando I. Mandanas as the key-note speaker.

Sinabi naman ni Jose “Kaka” Balagtas, Movie Director of “Malvar”, na isa sa mga ipakikita sa pelikula ay ang Balangiga Massacre in Samar, kung saan libo-libong Filipino civilians ang minasaker ng mga Amerikano, na sa mahigit isang century ay saka lamang naisauli ang tatlong Balangiga Bells sa pamamagitan ni President Duterte.

Ayon pa kay Villegas, also Chairman-President of the Labor Party Philippines (LPP), the fifth major political party in the Philippines, ang mga Pilipino ay patuloy na lumalaban sa mga dayuhan sa pakikialam on the affairs of government and the democratic lives of the people in the choice of their leaders, destroying our culture, heritage and nationalistic spirit all-together.