Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mama Mary ginamit ng mga politico

0 57

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang paggamit ng ilang poli­tiko kay Mama Mary.

Trending ang hashtag na Mama Mary kahapon matapos kumalat ang tarpaulin kung saan nakasulat ang “The Feast of the Nativity of Blessed Virgin Mary” na ipinagdiriwang kada Setyembre 8.

Mababasa rin ang mga salitang, “Ipagda­sal po natin ang patu­loy na pag-asenso ng bawat Pamilyang Mala­bonian.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasa background ng tarpaulin ang dalawang imahe ni Mama Mary.

Pero ang kinabuwisit ng mga Pinoy, nasa magkabilang gilid ng tarpaulin ang larawan nina Kaasenso Enzo Oreta, Mayor Lenlen Oreta, Cong. Jaye Lac­son-Noel, at Vice Mayor Ninong Dela Cruz na mga naka-No. 1 sign.

Naimbiyerna ang mga netizen sa pamu­mulitika ng mga ito sa kaarawan ni Mama Mary. (Issa Santia­go)

Leave A Reply

Your email address will not be published.