Abante Tonite Interactive

Mambabatas maagang nagpasiklab para sa 2022 eleksyon

510

Sino daw itong mambabatas ang pinag-iisipan na ang halalan sa taong 2022?
Kahit tatlong taon pa ang pagitan bago ang susunod na halalan, nagpasiklab na ang politiko para mapabango ang kanyang pangalan.

Imbes na magbakasyon muna dahil naka-break pa ang sesyon ng Kongreso, sumawsaw muna ang mambabatas sa mga press conference sa isang ahensiya ng gobyerno.

Hindi naman daw makapalag ang ang mga opisyal ng ahensiya ng gobyerno dahil baka magalit ang epal na mambabatas.

Type daw ng mam­babatas na lagi siyang nalalagay sa balita bilang preparasyon sa kanyang pagtakbo sa 2022.

Clue. Ang mambabatas na maagang nagpapasiklab para sa susunod na halalan ay malapit nang maging kalbo. May letrang D sa kanyang pangalan, as in Daldal.