Abante Tonite Interactive

Mambabatas na kuripot magpadala ng text

By
1,013

Sino daw itong mambabatas na sa sobrang pagkakuripot, matipid din kung sumagot kapag ito’y pinadalhan mo ng text message?

Napag-alaman ng Tonite na inabot daw kasi ng 24 oras kung sumagot sa text message ang mambabatas at kung mamalasin ay nadodoble ito sa 48 oras.

Kaya madalas daw, panis na ang sagot ng mambabatas dahil marami nang mambabatas ang nahingan ng reaksyon sa mga importanteng isyu.

Type daw kasi ng mambabatas na daa­nin na lamang sa ambush interview o press statement kaysa sumagot sa text message sa mga isyu.

Clue: Ang mambabatas na mabagal sumagot sa text message ay mula sa angkan na may malawak na lupain. May letrang B sa kanyang pangalan as in Bamboo.