Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mamemeke ng bakuna card winarningan

0 92

Binalaan ng Malaca­ñang ang publiko na hu­wag tangkaing pekein ang kanilang COVID-19 vaccination card dahil mahabang pagkakaku­long ang katapat nito.

Ang babala ay ginawa ni Presidential Spokes­person Harry Roque sa harap ng agam-agam ng local government units na baka gumamit ng pekeng card ang mga interzonal na pasahero.

SM food to go Banner Ad

Mabigat aniya ang pa­rusa sa lalabag sa falsifica­tion of public documents kaya hindi na dapat itong tangkain ng mga Pinoy dahil sa kagustuhang makalabas at makapunta sa ibang lugar.

“Nagbibigay po ako ng babala doon sa mga mamemeke: iyan po ay isang public document. So ‘pag kayo ay nameke ng vaccination card, that’s falsification of a public document,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.