Abante Tonite Interactive

Mami vendor pumanaw na

383

May siyam na araw pang nakipaglaban kay kamatayan ang isang mami vendor bago ito tuluyang binawian ng buhay kamakalawa ng gabi sa Philippine General Hospital (PGH) matapos sumailalim sa major operation sa Maynila.

Sa Facebook post ng kanyang kapatid na si Sheryl Paregas, nalaman na pasado alas-nuwebe ng gabi nang bawian ng buhay si Samson Bautista. Natanggal naman umano ang parte ng bala sa batok ng kanyang kapatid pero hindi na rin kinaya ng katawan nito.

Una nang isinugod si Bautista sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center matapos barilin ng naarestong suspek na si Alexander Ogdamina alyas ‘Kalbo’, 36, residente ng Gasangan, Baseco Compound, Port Area.

Kasabay nito, muling nanawagan ng tulong kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pamilya ng biktima. (Juliet de Loza-Cudia)