Abante Tonite Interactive

Man-o-pause

442

MRS. CARIñOsa
Marou Pahati Sarne

Lumapit sa akin ang miyembro ng isang dati ay sikat na comedy-singing group. Nagtanong kung mayroon daw ba akong “pampa-ganoon,” sabay taas ng kanyang hintuturo. Sa edad niyang 75, gusto pa rin niyang maranasan ‘yun, dahil ni hindi na nga raw sumasaludo sa umaga.

Ang kalalakihan ay nakakaranas din ng hormonal changes na tulad ng mga babaeng nagkakaedad. Andropause ang tawag sa pagbaba ng testosterone level bunga ng pag-edad.

Pagtuntong pa lang ng 40, ang ilang kalalakihan ay nakakaranas na nito, pero hindi naman lahat. Sa pag-aaral, 2% hanggang 5% lang sa nasa 40s ang nagsisimula nang magkaroon ng sintomas ng andropause.

Kabilang sa mga sintomas ang pagkabawas o pagkawala na ng pagtayo ng kanilang pagkalalaki lalo na sa gabi o sa umaga bago gumising, nagiging masungit, nalulungkot, naiinitan lagi at nababawasan ang kanilang muscles.

Related Posts

Ayon kay Dr. Edwin Bien, isang Integrative Medicine doctor, mayroong testosterone replacement therapy para bumalik ang libido, maprotektahan ang buto sa pagkaampaw, at maibalik ang lakas ng mga muscles at maging ang bilis ng kaisipan. ‘Yun nga lang, kapag may kasaysayan ng prostate o breast cancer ang isang lalaki (oo, may mga lalaki ring nagkaka-breast cancer), hindi inirerekomenda ang hormone rep­lacement therapy.

Maaaring subukan ang na­tural na paraan – sa pamamagitan ng tantric yoga – kung hindi na tumatayo ang kanilang pagkalalaki.

Ito ang payo ni Dr. Bien: Isang oras bago makipagniig sa partner, umupo na parang si Steven Seagal sa kanyang mga pelikula – nakaluhod sa sahig habang ang puwitan ay nakaupo sa dulo (heel) ng paa. Pagdikitin ang mga kamay na parang magdarasal, na ang hintuturo ay magkadikit, pataas. Itaas ang mga braso habang nasa ganitong posisyon ang kamay. Idikit ang mga nakataas na braso sa tenga. Humi­nga nang malalim (sa ilong, nakasara ang bibig) at unti-unting huminga palabas at sumigaw ng “HAH!” Gawin ito ng 20 beses. Ang breathing exercise na ito ang hihigit sa nerve patungo sa tinatawag na pudendal area. Ang pudendal nerve ay sensory nerve sa pelvic region at nakaka-stimulate sa pagkalalaki.

Pagkatapos ng breathing e­xercise, gawin naman ang “worshipping the sun” yoga. Dahan-dahang lumuhod na parang nag-aantanda (genuflecting position). Panatilihin ang ganitong posis­yon sa loob ng 30 minuto. Maya-maya, palitan naman ng kaliwang paa sa pagluhod. 20 beses ding gagawin ito. Makaraan ito, mag-back exercise ng kaunti para ma-stimulate ang pudendal area. Kung hindi niyo masundan ang tips na ito, mag-text na lang kay Dr. Bien sa 0999-414-5144 at baka i-de­monstrate pa niya sa inyo.