Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mana mula sa namatay na biyenan

0 376

Dear Atty. Claire,

Hihingi lang po ako ng payo sa sitwasyon namin ngayon.

Ang asawa ko po ay patay na at ang ama rin po nya ay namatay na.

Ang asawa ko po ay lehitimong anak sa una at may dalawang anak din sa pangalawang asawa ng ama nya.

Ibebenta ng pangalawang asawa ang ari arian ng biyenan ko. Kalahati lang po ng lote ang ibebenta nila.

Ano po ang karapatan ko bilang asawa ng anak na namatay sa share na makukuha sa ibebentang lote?

Salamat po

Grace

Grace,

May naging anak ba kayo ng asawa mo? Sino ba ang unang namatay? Ang asawa mo o ang tatay niya? Paano na acquire ng tatay niya ang property? Namana ba ito ng tatay niya o nabili nung kasal pa sa unang asawa o sa pangalawang asawa na?

Ibabase ko kasi ang mga sagot ko sa mga sagot mo sa tanong ko.

Kung ito ay pag aari ng nanay at tatay ng asawa mo at naunang namatay ang mga ito kaysa sa asawa mo ay magmamana na kaagad ang asawa mo sa 1/2 ng nanay na obviously mas naunang namatay kaysa sa tatay ng asawa mo. Makukuha ng asawa mo ang 1/2 sa parte ng nanay mo.

Kung namatay na una ang asawa mo kaysa sa magulang niya at wala kayong anak ay wala kang makukuha na share dahil sa hindi ka tagapagmana ng mga magulang niya. At ang pangalawang asawa at mga anak ng tatay niya ang magmamana sa share nito. At ang mga kapatid ng nanay niya ng magmamana sa share ng nanay niya.

Kung pag aaari lamang ito ng tatay niya ang lupa at naunang namatay ang asawa mo at wala kayong anak ay wala kang makukuha at ang pangalawang asawa ng tatay niya at mga anak lamang nila ang magmamana sa tatay niya.

Ngunit kung may anak kayo ay ang mga anak na ninyo ang magmamana kahalili ng asawa mo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro

Leave A Reply

Your email address will not be published.