Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manabat, Crossovers kakayod

0 100

Mula sa ibabaw papunta sa pangalawa sa ilalim, walang ibang pupuntahan kundi umakyat mula sa pagkalubog sa 2nd Premier Volleyball League Open Conference ang Chery Tiggo para sa isa pang korona sa PVL Invitationals na bubuksan sa linggong ito.

Labis na apektado ang Crossovers sa pagliban ni Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago sa pagdepensa sa titulo, pumangwalo sa siyam na team sa dekalibre pa ring naiwang mga manlalaro sa ilalim ni dating coach at ngayo’y team manager Aaron Velez. Namayagpag sila sa 2021 Open finale sa pagsilat sa patok na Creamline sa Ilocos Norte bubble setup.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero nangapa ang Chery habang wala ang 6-5 middle blocker na si Jaja sa Open nitong Abril, nag-1-3 lang sa pool play kasunod ang pagtiklop sa Cool Smashers sa quarterfinals at sa palaging kulelat na BaliPure sa classification.

“We knew what we went through the last conference, so we will work hard and will do it step-by-step to be able to perform well this conference,” deklarasyon Martes ni ace player Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.