Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manabat solo kayod

0 76

Hindi biro ang maging isang ina at atleta, pero pinatunayan ni Philippine SuperLiga (PSL) star Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat na yakang-yaka niya ito.

Kahit may 10 buwan nang pandemiya, tutok sa kanyang pamilya ang Chery Tiggo Crossovers middle blocker habang hindi rin kinakalimutan ang kanyang home workouts kasama ang koponan.

Sa ibinahaging day-routine video ng Crossovers sa Instagram, ipinasilip ng mga ito ang pagma-manage ng beteranang balibolista sa kanyang oras bilang isang atleta at mommy sa kanyang unica hija.

Hands-on sa pag-aalaga ang 27-year-old, 6-foot-1 volleybelle habang masigasig din sa pagpapakondisyon sa kanilang ‘mini gym’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.