Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manager, 10 parokyano sa resto-sex den dinampot

0 495

Inaresto ang isang umano’y manager at 10 customer matapos salakayin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang restaurant na ginagawang sex den habang 30 menor de edad ang nasagip sa Scout Chuatoco, Quezon City.

Sa nakalap na report mula sa NBI, ginawang spa at nilagyan ng mga kuwarto ang dating bar and grill resto kaya ni-raid ang spa kamakalawa.

Isa pa sa isasampang kaso ay ang pag-o-operate kahit may COVID-19 pandemic.

Nakatakdang magsagawa ng dental examination para matukoy ang mga sinagip na menor de edad, habang sasampahan ng reklamo ang nasa likod ng prostitution den.

Tumangging magbigay ng kanilang pahayag ang umanoy manager.

Nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang NBI sa nabistong pangalan ng dalawang unit ng isang law enforcement group na nakalista umano sa dokumento ng prostitution den, at kung ito ay tumatanggap ng pera kapalit ng kanilang proteksiyon. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.