Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manager nasilaw sa TF: Aktres naloka sa paglipat

0 363

NI: MILDRED BACUD

Hanggang ngayon may mga nagtataka pa rin kung bakit iniwanan ng aktres ang dati niyang network.

Maganda naman daw kasi ang mga proyekto niya sa nasabing istasyon.

Nabigyan ng mga bida role pero sadyang hanggang dun na lamang daw siya. Natagpuan naman niya ang sarili sa ibang field kung saan mas naging successful siya at kahit paano okay naman ang kanyang showbiz career.

Hindi nila akalain na kasama siya sa mga lumipat.

Kuwento ng source ayaw naman daw talaga niyang mag-ober da bakod pero ang nag-decide ay ang kanyang manager.Ito raw ang nakipag-usap sa nilipatang istasyon. Nakakalula naman daw kasi ang tf kaya di na pinakawalan. Wala na lamang daw nagawa si aktres kundi maloka.

Well, pagdating sa career, manager naman talaga ang kumukuha ng raket sa mga alaga niya pero kino-consider din at kinukunsulta kung gusto ‘yun ng may katawan.

Lalo na k may name na ang artist, si manager ay tinatanong din ang kanyang alaga kung gusto niyang tanggapin ang isang project. Sa parteng ito ay walang nagawa si aktres sa desisyon ng manager niya.Bakit kaya?

Leave A Reply

Your email address will not be published.