Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manager ng multinational company nilikida

0 668

Patay ang manager ng isang multinational company matapos itong tambangan sa Cabuyao City, Laguna, Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Cabuyao City police ang biktimang si George Sudario, manager ng electronics company na Shindengen Philippines Corps, sa Canlubang, Laguna.

Sa report, sakay ang biktima ng kanyang Hyundai Santa Fe van patungo sa Nuvali nang tambangan ng mga suspek pagdating sa Nuvali Circle, sa Brgy. Pittland na agad ding tumakas.

Isinugod sa Qalimed Hospital sa Sta Rosa City ang biktima subalit binawian ito ng buhay. Narekober sa crime scene ang 6 basyo ng kalibre 45 baril.

Nangangalap na ng kuha ng CCTV camers sa lugar ang mga awtoridad upang matukoy ang mg salarin. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.