Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manalo ang magaling!

0 88

Eleksiyon na sa makalawa, Biyernes , Nobyembre 27 ng mga opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) sa East Ocean Restaurant sa Pasay City.

Beterano kontra bagito sabi nila.

Tampok sa labanan ang pag-aagawan sa pagka-pangulo nina incumbent president Abraham Tolentino at board member Atty. Jesus Aranas.

Pangulo rin ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling at congressman ng Cavite Eight District si Tolentino, habang presidente rin si Aranas ng World Archery Philippines (WAP), former Government Service Insurance System (GSIS) president, general manager at Bureau of Internal Revenue (BIR) deputy commissioner.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maaring ma-veteran move ni Tolentino ang baguhan pa lang sa sports na si Aranas ayon sa mga observer. Pero matunog din na baka makasilat ang newbie sa bihasa na.

Para sa aki, may the best man win! Na lang.

Ang mananalo ay manunungkulan hanggang sa matapos ang 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France.

Ka-ticket ni Tolentino sina Tomas Carrasco Jr. (chairman), Alfredo Panlilio (first vice president), Richard Gomez (2nd VP), Cynthia Carrion-Norton (treasurer), Joaquin Loyzaga (audior), David Carter, Jose Raul Canlas, Prospero Pichay Jr. at Pearl Managuelod (board members).

Na kay Aranas naman sina Stephen Hontiveros (chair), Philip Ella Juico (1st veep), Ada Milby (2nd veep), Julian Camacho (treas.), Monico Puentevella (aud.), Robert Bachmann, Roberto Mananquil at charlie Ho (bd. members).

Leave A Reply

Your email address will not be published.