Abante Tonite Interactive

Manalo, Quiboloy ‘di kailangan ni Duterte

By
315

Walang plano si Pangulong ­Rodrigo Duterte na hingin ang suporta ng mga ­religious leader para lamang matiyak ang ­panalo ng mga kandidato ng administrasyon sa May 13 midterm elections.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ibunyag na ilang religious leader aniya ang boluntar­yong nag-alok ng kanilang tulong sa Pangulo para sa mga kandidato ng administrasyon gaya ni Kingdom of Jesus Christ founder Appolo Quiboloy at ang Iglesia Ni Cristo na pinamumunuan ni Eduardo V. Manalo dahil kaibigan siya ng mga ito.

Sinabi ni Panelo na hindi naging ugali ng Pangulo kahit noong alkalde pa lamang ito na manghingi ng suporta sa Simbahang Katolika at iba pang religious group para matiyak ang kanyang panalo sa eleksyon.

Ang tanging ginagawa lamang aniya ng Pangulo ay sinasabi nito sa mga tao kung bakit iniendorso niya ang isang kandidato.
“The President never ask help from any specific religion eh. What he does is he ­expresses himself and he tells us why he is ­doing this and that,” ani Panelo.

May mga kandidatong iniendorso si ­Pangulong Duterte sa May 13 midterm elections at ang iba ay hindi kasama sa tiket ng administration party.