Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mananagot mga pasaway na ospital

0 233

Iimbestigahan ng pamahalaan ang mga ospital na hindi sumusunod sa kautusan na dapat isailalim sa regular na COVID-19 test ang kanilang mga health worker.

“Ang mandatory testing ng workers na regular is provided in a DOH issuance. So kung merong paglabag diyan ipagbigay-alam lang po natin sa DOH at papaimbestigahan natin kung sino ang mga health facilities ang hindi nagbibigay ng mandated na regular testing for health workers,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

SM food to go Banner Ad

Sinabi pa ng kalihim na ang pagsasagawa ng regular COVID-19 test sa mga health worker ay benepisyo ng gobyerno para sa mga frontliner sa pandemya.

“Ibig sabihin puwedeng magkaroon po ng pananagutan ang ospital na hindi po nagpapatupad niyan,” ayon pa kay Roque.

Leave A Reply

Your email address will not be published.