Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manatili lang sa tahanan – Wong

0 219

Ngayong patuloy na lumulobo ang kaso ng COVID-19 sa bansa, nakiki-usap si wushu star Agatha Wong sa lahat na huwag ng lumabas ng mga tahanan kung hindi kinakailangan.

Nitong Linggo lang, sumampa na sa lagpas 100,000 ang kabuuang kaso ng pandemya sa bansa.

Ipinunto ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 gold medalist sa kanyang Twitter post kahapon na labis mag-ingat ang lahat sa nasabing sakit.

Tweet ng 21-year, 5-foot-2 Wushu Federation of the Philippines (WFP) player, “Please. please. please. Stay safe. Stay at home. Don’t go out just because. Huwag lumabas dahil ‘trip niyo lang. ‘Di ako nagbibiro,”

Hinirit pa ng panganay sa tatlong magkakapatid na Chinese ang ama at Pinay ang ina na dalagang tapos ng consular diplomacy: “100,000 people infected. No words.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.