Abante Tonite Interactive

Manatili sa bahay upang makaligtas ng buhay

420

Dear Abante Tonite:

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay, kompirmadong may COVID-19 at mga person under investigations o PUI.

Patuloy din ang paglabag ng iilan sa mga patakaran ng ating pamahalaan upang mapigilan ang paglaganap ng nasabing sakit. Kaya, ang ibang miyembro ng mga awtoridad ay nakagagawa ng mga bagay na sa tingin nila ay mabisang paraan upang sumunod ang matitigas ang ulo na sibilyan.

Ilan dito ang pagpalo ng isang barangay captain sa isa nitong nasasakupan dahil ito ay pagala-gala at ng isang opisyal ng kapulisan sa bahagi ng Quiapo. May sumang-ayon at may tumuligsa sa pamamaraang ito. Ang iba, sinasabing ito raw ay paglabag sa karapatang pantao.

Pero hindi niyo ba naisip na napapagod din ang ating mga tagapagpatupad ng batas? Gusto rin nilang magpahinga pero pinili nila ang magbantay sa mga kalsada para masiguro ang ating kaligtasan. Aminin man natin sa hindi, tao lang din sila at nauubos ang pasensiya.

Simple lang naman po ang hinihingi ng ating pamahalaan: manatili sa loob ng ating mga kabahayan upang makaligtas ng buhay.

Magtiwala lang po tayo at hindi naman tayo pababayaan ng ating gobyerno.

Edward Aquino Marquez

Tonite – Wendys Inhouse Ad