Abante Tonite Interactive

Manatiling kalmado pero alerto — Palasyo

By
8

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapaabutan ng tulong ang mga kababayan na naapektuhan ng 6.5 magnitude na lindol sa Visayas.

“We are doing everything we can,” sabi ni Duterte sa panayam ng media kasunod ng pagbi­sita sa 403rd Infantry Brigade, Malaybalay, Bukidnon kahapon ng hapon.

Inihayag ni Duterte na wala pang nakarating na impormasyon sa kanya patungkol sa naging pinsala.

Sinabi rin ng Pangulo na ang lindol ay hindi puwedeng mahulaan kung kailan mangyayari.

Sa pinakahuling ulat, pinaalalahan ng Malacañang ang mga residenteng apektado ng lindol na manatiling kalmado pero alerto.

“We ask our people, especially residents of affected areas, to stay calm and yet remain alert and vigilant for aftershocks as we assure them of immediate assistance by the government,” nakasaad sa inilabas na pahayag ni Presidential spokesperson Ernesto Abella.

“We ask our people to regularly check the Phivolcs website for the latest earthquake information. Updates will be provided as soon as more information becomes available,” dagdag nito.