Abante Tonite Interactive

Mandato ko limitado – VP Leni

By
5

Aminado si Vice Presi­dent Leni Robredo na limitado lamang ang mandato ng Pangalawang Pangulo­ kaya hindi siya lubusang makagalaw partikular sa pagbi­bi­gay ng tulong tulad na laman­g sa pangangailangan ng mga katutubong kababayan o indigenous people.

Sa kanyang pagsasa­lita kahapon sa 2017 National Indigenous Peoples’ Summit, inihayag ni VP Leni ang kahalagahan na pakinggan ng pamahalaan ang boses ng mga katutubo.

Hindi maitago ni Rob­redo ang pagkadismay­a sa tila pagbabalewa o hindi­ pagbibigay atensiyon ng pamahalaan sa boses ng mga katutubo gayong­ simple­ lang naman ang pa­ngangailangan ng mga ito.

Abante Hiring – IT dep

“Hindi naman malalaki­ yung mga pangangailangan,­ kadalasan simple, kadalasan payak at kadalasan maliit lang, pero dahil hindi­ nabibigyan ng malaking atensyon, dahil hindi nabibigyan ng malaking boses, hindi naipapahayag nang maayo­s yung pangangailangan,” ayon kay Robredo.

Marami umanong mga programa ang pamahalaan para tulungan­ ang mga katutubo­ ngunit dahil hindi­ naman­ pinakikinggan ng pamahalaa­n ang hinaing­ ng mga ito hindi natutugunan­ nang maayos­ at sapat ang panga­ngailangan ng mga ito.