Abante Tonite Interactive

Mandato ng MMDA sa EDSA repasuhin

296

Pinarerebyu ng ilang senador ang mandato ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay ng kanilang pamamahala sa trapiko sa EDSA.

Sa pagdinig ng Senate committee on public services kahapon, sinabi ni Minority Leader Franklin Drilon, na tila nahihirapan ang MMDA na pamahalaan ang kahabaan ng Edsa lalo na’t lahat ng local government unit (LGU) ay iginigiit ang kanilang kapangya­rihan hinggil sa kanilang hurisdikisyon sa EDSA.

“It’s about time that we review the power of MMDA given the chaotic situation because it has been brought out that the reason for the injunction is that the MMDA admitted that they have no power and it belongs to the LGUs,” lahad ni Drilon.(Dindo Matining)