Abante Tonite Interactive

Mandatory drug test sa elementarya inalmahan

By
2,819

Tinutulan ng ilang kongresista ang ba­lak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isalang sa mandatory at sorpresang drug test ang mga mag-aaral sa elementarya.

Target isama sa drug test ang mga grade 4 ­pupil o ang mga nasa edad sampu pataas na mag-aaral ng pribado at pampublikong esku­welahan sa buong ­bansa.

“This is not a sound policy,” komento ni Magdalo Rep. Gary ­Alejano.

Abante Hiring – IT dep

Dapat aniyang ikonsidera ng PDEA ang psychological effect na ibubunga ng mandatory at surprise drug testing.

Maaari umanong magdulot ng takot at trauma sa mga bulilit ang hakbang na ito lalo na kung hindi maayos ang pangangasiwa.

“We are crea­ting an atmosphere of fear among children. ­Marami na ngang mga bata ang nasaksihan mismo ang pagpaslang sa kanilang mga magulang, ­kamag-anak, kapitbahay, o mismong kaibigan ­dahil sa war on drugs ng ­administrasyon. This propo­sal could yet be ano­ther scar on the ­children that will have a long-term impact on their well-being,” ­pagpupunto ni Alejano.

Dagdag-gastos din aniya sa gobyerno ang pagpapatupad nito at magiging pasanin din ng mga magulang o ng eskuwelahan.

Binigyang-diin ni Alejano na ang dapat tutukan ay ang mala­laking source ng iligal na droga.

Samantala, ikinaalarma rin nina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France ­Castro ang naturang mungkahi ng PDEA na pagpuntirya sa mga batang mag-aaral.

“Bakit hindi ang mga big time drug lords ang puntiryahin nila?” giit ni Castro.

Wala naman uma­nong maipresintang ­datos ang PDEA na nagpapakita kung gaano karaming mga estud­yante at mga guro ang lulong sa iligal na ­droga.