Abante Tonite Interactive

Mandatory drug test sa mga kandidato pag-aaralan ng Palasyo

By
57

Nilinaw ng Malacañang na pag-aaralan pa ang panukalang mandatory drug testing para sa lahat ng kandidato sa 2019 midterm elections.

Ito ay bunsod na rin sa panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na “surprise” drug test sa mga kandidato, habang ang Dangerous Drugs Board (DDB) ay humirit ng mandatory drug test sa mga mananalong opisyal.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi pa nire-reject ng Palasyo ang panukala ng PDEA dahil hindi pa ito napapag-usapan.

Dapat umanong boluntaryo ang drug testing sa mga kakandidato sa ­Senado, House of Representatives at ­lokal na posisyon.

Ang panukala ng PDEA ay nag-ugat dahil maraming lokal na opisyal ang isinasangkot sa iligal na droga.

“The Palace wishes to clarify that it does not dismiss in toto PDEA’s propo­sal to conduct mandatory drug testing of political aspirants for next year’s elections,” ayon kay Panelo.

Hinikayat naman ng Malacañang ang mga aspirante na boluntaryong isumite ang kanilang sarili sa drug ­testing.