Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mandatory face shield gagatasan lang

0 237

Hindi pa pa huli ang lahat para baguhin ang kautusan na mandatory o obligado nang magsuot ng face shields ang lahat ng commuter at mga empleyado bukod a face masks simula sa Sabado, ayon kay Senadora Imee Marcos.

“Pwedeng localized o voluntary, pero pag mandatory ay overkill na ‘yan. May iba pa bang bansa na nagrerekomenda sa sabay na paggamit ng face shield at face mask maliban sa loob ng mga ospital?” anang senadora.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni Marcos, dapat ipaalam ng pamahalan sa publiko kung sino ang mga importer at lokal na suplayer ng mga face shields at tukuyin ang posibleng koneksyon sa mga opisyal mula sa mga departamento ng kalusugan, transportasyon, labor, at trade and industry na maaring kumita sa pagbenta ng produkto.

Posibleng magbunsod din ito ng medical emergency, o magkaroon ng panibagong problemang pangkalusugan.”

“Bukod sa hindi kumportable, hindi ba masu-suffocate ang mga may high-blood pressure, sakit sa puso o asthma pag may face shield at mask? Gaano kahabang oras titiisin ng mga manggagawa sa opisina at pabrika ang pagsusuot nito na pahirap pa sa paghinga?” tanong ni Marcos (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.