Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mandaue isasara lahat ng sementeryo sa Undas

0 65

Itinigil ng Mandaue City Government ang tradisyunal na kasiyahan sa All Souls’ Day at All Saints’ Day upang masiguro ang kaligtasan ng mga Cebuano kung saan sarado ang lahat ng public at private cemeteries mula October 30 hanggang November 4, sa panahon ng Undas bilang bahagi ng pag-iingat sa mga residente kontra sa coronavirus disease.

Ayon kay John Eddu Ibañez, executive secretary ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes, nakita ng alkalde ang posibleng mangyari sa traditional celebration ng All Souls’ Day at All Saints’ Day na kung saan kadalasang nagaganap ang family reunion kaya agad nagpalabas ng executive order na pagsasara ng lahat ng sementaryo.

Maaaring madalaw ang mga namayapang kaanak bago ang itinakdang araw ng pagsasara habang maaari namang makapasok sa loob ng sementeryo sakaling may naka-schedule na ililibing at mga kaanak lamang ang maaaring makapasok. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.