Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Mang Kepweng’ nanghuthot ng P2M

0 80

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaking nagpapanggap na `Mang Kepweng’ sa online na umano’y nakakapag-alis ng masasamang espiritu matapos mangikil ng halos P2 milyon sa kanyang biniktima sa Legazpi City.

Nabatid na inaresto si Rickson Aviso ng mga tauhan ng NBI-Cybercrime Division sa isang entrapment operation matapos tanggapin ang pera mula sa kanyang biktima.

Ayon sa di nagpatukoy na biktima, nagpakilala sa kanya ang suspek na isang Anghel at kinaibigan siya sa social media, nag-alok ng tulong at proteksiyon laban sa masasamang eapiritu.

Kalaunan ay nanghihingi na ng bayad ang suspek kapalit ng kanyang tulong. Nang hindi makabayad ay binantaang sasaktan pati ang kanyang pamilya.

“Kinuha muna ni subject ‘yung loob ng ating biktima na dahilan para magtiwala naman si victim. Kinalaunan noong nakuha na ‘yung loob niya nanghingi siya ng pera,” ayon kay Atty. Michelle Valdez, executive officer ng NBI-CCD.

Tumanggi naman na magkomento ang suspek na nakadetine ngayon sa NBI Headquarters. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.