Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mang Tani bakasyon sa Australia

0 144

Nagbabakasyon lang pala sa Australia si Mang Tani kaya hindi siya napapanood lately sa 24 Oras.

Mismong ang mga anchor na sina Mel Tiangco, Vicky Morales, at Mike Enriquez ang nagbahagi ng update tungkol sa resident meteorologist ng GMA News.

Marami na rin kasi ang nagtatanong kung bakit hindi nila napapanood si Mang Tani sa naturang news program.

“Bago po tayo magtapos shout-out muna tayo sa ating ekspertong totoo, si Mang Tani, si Ginoong Nathaniel Cruz,” panimula ni Mel .

“Si Mang Tani po ngayon ay nasa Melbourne, Australia kasama ang kanyang pamilya,” paglalahad ni Vicky.

“Alam naman namin na marami nang nakaka-miss kay Mang Tani, ang aming resident meteorologist,” say pa ni Mike.

Nakabase sa Australia ang pamilya ni Mang Tani kaya naman madalas talaga siyang magpunta roon.

Tulad ng kanyang kasamahan sa 24 Oras, miss na rin ng viewers si Mang Tani pero deserve niya rin naman magbakasyon kasama ang kanyang pamilya. Abangan na lang natin ang kanyang pagbabalik!

Leave A Reply

Your email address will not be published.