Abante Tonite Interactive

Manganganak sa panaginip

321

Dear Dream catcher,
Nanaginip akong buntis ako at manganganak na daw ako oras na lang hinhintay.

Ano po ibig sabihin non? May anak din po ako isa at asawa asa pilipinas at nine months na ako dito sa abroad.

Janeca

Ang panaginip tungkol sa pagbubutis ay itinuturing na isang positibong panaginip. Ang pagbubuntis ay sumisimbolo sa bagong panimula at maging sa kasaganaan o abundance.

Related Posts

Kadalasang indikasyon ito na ang nanaginip ay may ikinukonsiderang pagbabago sa kanyang buhay na inaasahan niyang magbibigay ng kasaganaan.

Pag-aralan ang iyong sitwasyon. Meron ka bang mga bagong plano. Maaring ang iyong panaginip ay maikonek sa mga planong ito kung saan very positive ang iyong pananaw. Sinabi mong ikaw ay nasa abroad at posibleng dyan sa iyong sitwasyon sa bansang iyong kinaroroonan ang iyong p­ananaw. Maaring dahil sa iyong trabaho ngayon, nakikita mong maaabot mo na ang panga-rap mong mabigyan ng masaganang buhay ang iyong pamilya.

Sinabi mo ring sa iyong panaginip ay oras na lamang ang hinihintay mo at ikaw ay manganganak na. Ang bahaging ito ng iyong panaginip ay sumi-simbolo sa panimula dahil ang panganganak ay nagbibigay ng bagong buhay. Ang isang sanggol ay l­aging simbolo ng magandang pangyayari. Simbolo ito ng bagong blessings.

Kaya naman sa kabuuan, ang iyong panaginip ay masasabing nagpapakita ng positibong pangyayari sa iyong buhay–ng bagong pag-asa at ng mga kasaganaang parating na.

Dream Catcher
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcat-cher@gmail.com.