Abante Tonite Interactive

Manggahan sa Pangasinan nadale ng kurikong

291

By Allan Bergonia

Tinamaan ng peste ang 80 porsiyento ng manggahan sa Pangasinan sanhi ng pesteng cecid fly o ‘kurikong’ dahilan upang tumaas ang presyo ng mangga sa merkado.

Ayon kay Mango Growers Association of Pangasinan (MGAP) President Mario Garcia, ang pag-atake ng mga kurikong ay nagsimula noong Disyembre.

Paliwanag ni Garcia, ang cecid fly ay isang uri ng peste na bumubutas sa mangga na nagiging sanhi ng pangingitim ng bunga hanggang mabulok.

Batay sa talag ng MGAP, ang mga lugar na apektado ng kurikong ay mga San Carlos City, Pozorrubio, Binalonan, Urdanita City, Villasis at Malasique.

Dulot nito ay ramdam umano sa buong lalawigan ang pagtaas ng presyo ng mangga kung saan nasa P1,300 kada kaing o P130 kada kilo.

Sa ngayon, inaalam pa ang kabuuang danyos ng mango industry ang pinsalang dulot ng peste.