Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manghahawa ng COVID swak sa murder – Digong

0 133

Pumabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa ideya na kasuhan ng murder ang mga nagkasakit ng COVID-19 na hindi nag-ingat at nakapanghawa ng virus.

Ito ay kaugnay ng mungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na maaaring mapanagot ang mga pasaway sa health protocol.

“Kasi iyong unang sitwasyon hindi niya alam na may sakit siya, baka nahawa lang siya, kaya kung iyon po ay namatay pupwede iyon pumasok sa homicide. Pero kung maselan ito na sugat o injury, maaaring reckless imprudence resulting to physical injury or depende kung serious or less serious. Pero kung alam niya, at pumunta sa isang lugar at may sakit siya ng coronavirus, at namatay, ay iyan po ay talagang sadyang pagpatay iyan. Iyan po ay papasok sa murder sapagkat intentional,” ani Panelo noong Lunes ng gabi.

SM food to go Banner Ad

Sang-ayon naman si Duterte sa sinabi ni Panelo.

Naniniwala si Duterte na posibleng pumasok sa murder kung ang isang positibo sa COVID ay gumala o nakisalamuha sa iba kahit pa alam niya na positibo na siya sa sakit.

Ang ibang kaso pa raw na pwedeng ipataw sa mga pasaway ay ang resistance or disobedience to authorities at ang paglabag sa Republic Act No. 11332, ayon kay Panelo. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.