Abante Tonite Interactive

Manghuhula at nagtatawas

223

Dear Dreamcatcher,
Nanaginip ako nagpapahula daw ako sa tita ko eh pinipilit ko pa s’ya na basahin palad ko sinapian s’ya bigla tapos pumunta daw ako sa kapitbahay namin na nagtatawas. Ayaw daw po ako kausapin kasi tulog pa kaya iyak daw ako nang iyak.
-Anonymous

Ang panaginip tungkol sa manghuhula ay indikasyon na gusto mong mapalawak ang iyong kaalaman. Gusto mong magkaroon ng mas malalim pang kaalaman na magagamit mo para mas ma-improve ang iyong buhay. Indikasyon din ito na meron kang mataas na expectations.

Ang panaginip tungkol sa manghuhula ay maikokonek din sa hinahanap mong progreso at tagumpay. Ang pana­ginip mo na ikaw ay nagpapahula ay indikasyon din na naghahanap ka ng proteksyon at seguridad pero madalas na mali ang iyong nilalapitan.

Abante Hiring – IT dep

Ang bahagi naman ng iyong panaginip na na-possess o sinapian ang iyong tiya ay nagrerepresenta sa iyong mga negatibong alalahanin o pinag-iisip. Ang mga negatibong alalahaning ito ang nagpapabigat sa iyo.

Sa aspetong psychological, ang iyong panaginip ay nagpapakitang meron kang pinagdaraanan at sa gitna nito’y may pagdududa ka sa sarili mo kung tama ang mga ginagawa mo at kung may kulang. Naghahanap ka ng taong masasandalan, ng taong makakatulong sa iyo.

Ang paglapit sa mga manghuhula at magtatawas ay hindi solusyon sa mga problema sa buhay. Alam ito ng isip mo kaya naman sa panaginip mo ay nakita mong sinapian ang tiyahin mo nang pilitin mo siyang basahin ang iyong palad. Ang magtatawas naman ay hindi ka pinansin kahit nag-iiyak ka.

Ang iyong panaginip ay maaring paalala ng iyong subconscious na dapat kang maghanap ng taong pagkakatiwalaan. Posibleng kaibigan o kaanak na puwede mong makausap at mapaghingahan ng iyong mga alalahanin. Pero paalala rin ito na dapat kang maging matalino sa mga taong dapat mong pagtiwalaan.
Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang espiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.