Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mangingisda apektado sa naglutangang patay na baboy

0 86

NAGHAYAG ng matinding pangamba ang lokal na pamahalaan ng Naujan sa Oriental Mindoro sa posibleng maging epekto sa kanilang kabuhayan lalo na ng mga mangingisda, kasunod ng natagpuang mga patay na baboy na nakalutang sa dalampasigan.

Sinabi ni Mayor Mark Marcos, na umabot sa 17 ang nakita nilang patay na baboy nitong mga nakaraang araw.

SM food to go Banner Ad

“Ito po ay nasa advance stage ng decomposition, medyo mabaho na. Ang problema nga po dahil itong ating mangingisda ay naaapektuhan dahil may reported sa akin na ang tao ay natatakot namang kumain ng isda,” sinabi ni Marcos.

Inamin din ni Marcos na hanggang ngayon ay iniisip nila na may African swine fever ang mga natagpuang baboy.

“Ang naapektuhan ngayon bukod dito sa nag-aalaga ng hayop, ‘yung mga nagtitinda natin sa palengke, itong mga mangingisda parang naapektuhan na rin po,” sabi ni Marcos. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.