Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mangingisda dedo sa warning shot ng 2 PCG officer

0 602

Kalaboso ang dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na sangkot sa pagkamatay ng isang mangingisda sa Malapascua Island sa Daanbantayan, Cebu nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si Rolex Casebo, ng Brgy. Antipolo, sa bayan ng Medellin.

Kapwa naman nakatalaga sa Barangay Logon sa Malapascua ang mga suspek na sina Seaman First Class Jason Hermoso de Padua at Seaman Second Class Christian Almencion Almorade.

Ayon sa mga imbestigador, sinita nina De Padua at Almorade ang dalawang bangka na sinasabing iligal na nangingisda sa Dakit-Dakit Island, na kilala sa ng mga thresher shark at ipinagbabawal ang commercial fishing.

Nagpaputok umano sina De Padua at Almorade ng mga warning shot sa bangkang pangisda na kanilang kinompronta at aksidenteng tinamaan ang isang mangingisda.

Kusang-loob na sumuko ang dalawang suspek at nakadetine na sa Medellin Police Station. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.