Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mangingisda putol kamay sa pating

0 175

Naputol ang kanang kamay ng isang mangingisda matapos siyang kagatin ng isang pating sa Magsingal, Ilocos Sur.

Ayon sa ulat ng ‘Balitang Amianan,’ natagpuang walang malay at duguan si Ruben Unabia sa kanyang bangka.

Agad na isinugod sa ospital si Unabia ngunit nagulat sila nang makita na wala na ang kanang kamay nito.

Ayon sa biktima, kukuhanin na sana niya ang nabingwit na malaking isda kaso nga lamang ay kinagat umano siya ng malaking pating.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paglalarawan pa niya sa pating, maitim at halos kasinglaki ito ng kanyang bangka.

“Hindi ko inasahan na may pating. Kinukuha ko na ‘yong nahuli kong blue marlin nang biglang sinakmal ng pating ang kamay ko,” pahayag ni Unabia.

Samantala, sinabi naman ng ibang mangingisda na kapag gumagamit talaga sila ng floater at mga dahon para puntahan ng isda ay may posibilidad na may nakaabang na pating dito. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.