Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mangingisda sa Palawan nilapa ng buwaya

0 61

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang mangingisda na dalawang araw ng nawawala at pinaniniwalaang inatake ng buwaya sa bayan ng Bataraza sa Palawan.

Alas-4:30 Miyerkoles ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si David Palatolon, 62, malapit sa taniman ng mga mangrove o bakawan.

Base sa Philippine Coast Guard (PCG) Palawan District, umalis sa kanilang bahay sa Sitio Kayas-Kayasan, Brgy. Rio Tuba, Bataraza ang biktima Lunes ng gabi para mag-spear fishing malapit sa kanilang lugar subalit hindi na ito nakauwi pa.

Humingi ng tulong ang mga kaanak ng biktima sa mga awtoridad na agad bumuo ng search team hanggang sa matagpuan ang biktima.

Sa inisyal na itsura ng bangkay ay bali ang kanang hita nito habang may mga sugat sa ulo at kaliwang hita na pinaniniwalaang mula sa atake ng buwaya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.