Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mangingisda tinadtad ng bala

0 52

Pumanaw ang isang mangingisda nang pagbabarilin ng hindi nakilalang sala­rin habang naghahanda na para lumaot sa dagat sa General Luna, Quezon, Bi­yernes ng madaling-araw.

Ayon kay P/MSg. Jun Almonte, imbestigador ng General Luna police, mga tama sa ulo at katawan ang agad ikinamatay ng biktimang si Eduardo Platino, 49-anyos, residente ng Barangay Poblacion.

Bandang alas-4:45 kahapon ng madaling-araw, papalaot na sana ang biktima nang pagbabarilin siya ng nag-aabang na suspek gamit ang isang kali­bre .45 baril.

Agad ding tumakas ang salarin, na na­kasuot ng bonnet at jacket, matapos ang pamamaril.

Matagal nang ali­tan sa lupa ang ti­nitingnang motibo ng mga awtoridad sa pangyayari.

Naniniwala rin ang mga awtoridad na hired killer ang bu­mira sa mangingisda. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.