Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mangingisdang nawala habang bagyo 20 na

0 45

Inaalam ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang report na aabot sa 20 mangingisda ang nawawala sa Catbalogan at Sa­mar sa kasagsagan ng Bagyong ‘Jolina’.

Sinabi ni PCG Spokesman Commo­dore Armand Balilo, 14 mga mangingisda ang nawawala sa Sierra, Western Samar; 4 sa Motiong, Samar; at 2 sa Catbalogan City.

“We are verifying those reports.”

Samantala, nagla­bas ng Executive Or­der 204 si Ormoc City Mayor Richard Gomez dahil na rin sa nasabing bagyo.

Sinuspinde ang tra­baho sa pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa Ormoc City sa Leyte pero magpapatuloy ang trabaho ng mga security, medical at emergency response personnel.

Sa pribadong sek­tor naman, nakade­pende ito sa magiging pasya ng pamunuan ng mga kompanya. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.