Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mangliwan kumakatok sa Tokyo Paralympics

0 158

Malaki ang posibilidad na maging ikalawang Pinoy para athlete si trackster Jerrold Mangliwan na mag-qualify para sa 16th Summer Paralympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog lang ng pandemya sa darating na August 24-September 5.

Beterano na rin ng ika-15 edisyon ng nabangit na quadrennial sportsfest noong 2016 sa Rio de Janeiro, pumangalawa ang 41-anyos at tubong San Jose del Monte City sa 8-eight entry World Para Athletics Grand Prix men’s 400-meter T52 wheelchair race sa tiyempong 1 minute at 2.16 seconds sa Nottwil, Swtizerland sa nakalipas na linggo.

Nahigitan niya ang Paralympic standard na 1m, 3.27s, pero ipinahayag Miyerkoles ni Philippine Paralympic Committee secretary general at 1992 Barcelona Olympic fencer Walter Torres, na kailangan pa ni Mangliwan na antayin ang anunsyo sa pagpasok niya sa Tokyo Paralympics mula sa World Para Athletics sa June 23.

Si para swimmer Ernie Gawilan pa lang ang qualified sa Paralympics nang maabot ang minimum qualifying time ng men’s 400m freestyle S6 event sa isang paligsahan. Gayunman, kailngan pa niyang kumampay sa isa pang qualifier para ma-reclassify ang kanyang disability. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.