Abante Tonite Interactive

Mango Remittance inilunsad

By
1,374

Isang magandang opor­tunidad sa negos­yo ang naghihintay sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan sa pa­mamagitan ng isang ba­gong venture na inilunsad kamakailan.

Ang business venture ay inorganisa ng Mango Remittance C U Inc. (MRCUI), isang rehistradong kompanya sa Securities and Exchange Commission (SEC). Ang MRCUI ay isang platform na magagamit sa online transaction, mula sa mga mamimili sa kanilang pang-araw-araw na pagbili, hanggang sa mga mamumuhunan sa kanilang tradin­g, at ito ay ‘real time’, sa mas mababang gastos habang tinitiyak ang isang siguradong transaksiyon sa bawat oras.

Ayon kay MRCUI Chief Executive Officer (CEO) at President Jose Jonas M. Cochico III, ang misyon ng kompanya ay magbigay ng kahusayan sa lahat ng mga stakeholder nito. Sinabi nito sa pamamagitan ng Mango venture, ang pang-araw-araw na transaksiyon ng mga kliyente nito ay magiging mabisa at mas mura kompara sa iba pang mga pamamaraan o entidad.

“Nais naming mag-alok ng mas abot-kaya at praktikal na aplikasyon sa pagpapadala ng pera sa ating OFWs,” sabi ni Cochico. Ang MRCUI, idinagdag ni Cochico, ay isa ring IT company na nag-specialize sa remittance at pagbaba­yad ng settlement application. Bilang bahag­i ng social responsibility­ nito, ang isang bahag­i ng mga bayarin ng MRCUI ay itatabi upang magbiga­y ng mga serbisyong p­anlipunan.