Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mangrobang asa pa sa Olympics

0 76

Mahirap man ang daan, kumpiyansa pa rin si two-time Southeast Asian Games women’s individual triathlon queen Marion Kim Mangrobang, na makakakarera sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa darating na Hulyo.

Nakatuon ang 29 na taong gulang at tubong Laguna sa training pa rin habang inaantay ang mga detalye sa pagpapatuloy ng qualifying points system races pa-Tokyo Games at paghahanda rin sa 31st Southeast Asian Games sa November sa Hanoi, Vietnam.

“Right now, naka-freeze lahat ng points system (for olympic qualification) sa triathlon. Actually, walang nakakaalam kasi sa March pa magre-resume ang qualification so ‘di sila nagre-release kung ano gagawin,” ani Mangrobang nitong Miyerkoles.

Dinagdag naman ni Triathlon Association of the Philippine (TRAP) president Tomas Carrasco Jr., na bukod sa points, maaring makapag-Olympics si Mangrobang via continental quota at president’s choice o wild card. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.