Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mangrobang asam Olympics

0 43

Patuloy ang paghahanda nina PH 2019 Southeast Asian Games double gold medal winner Marion Kim Mangrobang at silver medalist Andrew Kim Remolino para sa nalalapit na kampanya ng national triathlon team sa Olympic Qualifying Tournament sa Tokyo, Japan sa itatakda pang petsa.

Kasalukuyang nasa Desmor training camp sa Rio Major, Portugal sina Mangrobang at Fil-Spanish Fernando Jose Casares sa misyong makahabol pa sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Land of the Rising Sun din sa July.

Ang dalawa pang pa-Japan OQT bukod kina Mangrobang at Casares ay sina SEAG champ John ‘Rambo’ Chicano at Kimberly Michelle ‘Kim’ Kilgroe.

Plano rin ni Triathlon Association of the Philippines (Trap) president Tomas Carrasco Jr., na ipadala ang Cebu-based na si Remolino sa Portugal na naghahanda naman sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa November. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.