Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mangrobang kapos sa Asian Triathlon

0 285

NABIGO ang pangunahing babaeng triathlete ng bansa na si Kim Mangrobang makakuha ng awtomatikong silya sa 2020 Tokyo Olympics matapos na magkasya lamang ito sa ika-11 silya sa gjnanap na Elite Women category ng 2021 Asian Triathlon Championships sa Japan.

Nagtala si Mangrobang ng kabuuang tiyempo na 2 oras, 16 minuto at 57 segundo sa kompetisyon na nakataya ang silya para sa magrerepsenta sa Asya.

Nanguna si Zhong Mengying ng China sa 2 oras, 8 minuto at 10 segundo para makuha ang tiket sa Olympics.

Nakatakda pa ang kasalukuyang No. 192 ranked na si Mangrobang lumahok sa ibang karera sa Europe at Africa sa sunod na buwan para sa tsansang makatipon ng puntos at maka-qualify sa Tokyo Olympics.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Elite Men category ay kinapos din si Fernando Caseres sa tsansang makapasok sa Olympics sa pagtatapos nito sa ika-13 silya sa isinumiteng 1 oras, 57 minuto at 47 segundo.

Nagawa naman matapos ni Kim Remolino ang swim leg bago hindi nakumpleto ang kabuuan ng karera matapos magtamo ng “froze arms” sa kalagitnaan ng hita nito dahil sa temperature ng tubig.

Nagwagi naman si Nener Kenji ng Japan na dinomina ang laban sa 1 oras, 48 minuto at 59 segundo. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.